Ngayon ko napatunayang Mind over Heart talaga ko.:))
You wish you never had to think about again. But you Do.
(via itsirrational)
If I would be given a chance to correct one mistake that I have done, Isa lang talaga yung itatama ka. Yun yung, Ipakita ko sa lahat ng tao na hinding hindi ako kayang patumbahin ng isang pag subok, but instead I would simply Smile and take it positively.
Instead na ipakita ko sa mga taong nasasaktan ako, Kabaligtaran nun yung ipapakita ko. Alam ko namang Walang masama ipakita na minsan bumabagsak tayo at nasasaktan kasi dahil dun kaya tayo nagiging matatag, pero may mga tao kasing dahil sa pag bagsak mo na yun, Natutuwa sila at ginagawang dahilan yun para maliitin ka nila.
My Biggest fear is to fail my parents at masaktan sila ng dahil sa nagawa ko or ginagawa ko, but without knowing, nagawa ko na pala and it hurts me a lot and mula nun mas lalo kong pinangako sa sarili ko na Hinding hindi na to mauulit.
That’s why, Now Here I go again but kabaligtaran nung nagyari dati, Im still Smiling & Showing them how Strong I can be kahit na halos ipamura na nila ko sa buong mundo dahil sa isang kasalanang hindi ko Alam.:)
I know myself, and I know na hindi to mangyayari if hindi ko kayang lagpasan.:))
My College Bestfriend’s or Tropang Baldo:))
Kung meron man akong isang bagay na sobrang ipagpapa salamat Forever yun yung nakilala ko sila. Our group name “Tropang Baldo” started nung sinabi ko sakanilang ang nickname ni Mheinard ( Somebody that I used to know) is Baldo, Glenda started to call us “Baldo” that’s why napag desisyunan na yun nalang yun name namin. I dont know Of matutuwa ako or what. Kasi, dahil sa name namin na tropang baldo araw2 kong maaalala si Mheinard. HAHA! Just kidding.:)
TROPANG BALDO is one of the Best Barkada that I’ve Ever had. I can’t enjoy my College life without them. I just want to describe them one by one.
Lets start with:
GRACE/BABE
Siya yung Kauna unahan kong naging Kaibigan sakanila, Since 1st day of School, Friends na kami up to now. Sino ba naman kasing makakalimot nung araw na yun na pinagpasa kami ng 1/4, ofcourse isusulat mo yun name mo, age, bday then She write the date today instead her birthday. HAHA!:)) That’s why I asked her If nun lang ba siya pinanganak?:) Then mula nun friends na kami BESTFRIEND rather.
Matalino yan, Siya yung UP Passer ng barkada at proud na proud kami dun. Sobrang daming nagkakagusto diyan pero gusto niya Maganda mata. HAHA!:) Sobrang Bait at Maganda. Yan ang Ms. Eco fashionista namin.:)
Aileen
Si Aileen yung mala pang DJ ang boses at pwede din Jessica Soho sa galing mag host ng feature show that’s why We choose her to be our Host during our Videofest.
Hindi ko na matandaan if paano kami naging close, basta ang alam ko lang Lagi kong sinasabi na siya yung Kaibigan kong Walang panget na Ugali.:)
Jama
Masasabi kong Achiever siya. Lahat ng gusto niyang ma Achieved bago siya mag enter ng CEU. Nakuha niya na. As of now, He is the USC President.
Pinaka friendly sa Barkada, Halos lahat ata ng makakasalubong niya sa Corridor kilala niya. Yan naman yung isang bagay na sobrang hinahangaan ko sakaniya. Mabait siya at The best kausap. Walang Dead Air.
Glenda
Yan naman ang pinaka talented samin. Magaling yan Sumayaw at pwede ding Recording Artist. Pag kasama mo siya walang Dull moments sa galing niya magpatawa.
Sa sobrang galing niyang magpatawa, Iisipin mo wala siyang problema, pero ofcourse not, lahat naman ng tao may problema nagka taon lang na Masyado siyang Strong. :))
Basta kung idedescribe ko sila in One word, They are “TRUE/REAL” Bestfriends.:)
Meet my Best Guy Friend R.A.M.
I used to call him RAM para ako lang yung tumatawag sakaniyang ganiyan then He started to call me MAR . HAHA! Al Ramil talaga yung name niya.:) Since 1st year college classmates na kami but were not that close Until nagulat nalang ako na We’re Close friends and We started to hang out, Shared our secrets, thoughts and Unlimited kwento’s.
I love everything about this Guy. Ideal Guy ng nakararami. Mabait, Matalino, Sobrang Positive ng Outlook sa buhay, Strong, Friendly, Talented at Syempre Gwapo.:))
I need to Smile, not because I need to, but because I do deserve to SMILE.:)
(Source: pitchblackglow, via i-spill-kisses-with-love)
Life is not always about proving people that you are a GOOD PERSON.
Sometimes, you need to show your bad side. For in the dark side, you will see the people who are ready to light the road with you.
Its not important how many or who your friends are, but its how few of them accept you for who you are..
Sometimes, Even though you really like the person or the things to Happen. You can’t Help but get tired. Because at the back of your mind you know that It is imposible to Happen.
(via itsirrational)
Answer:
Haha. Alam mo ba, Wala naman talaga kong balak gawin yan. Basta nagtype lang ako, tas nagtuloy tuloy. Ayun. Pag tingin ko sa orasan. 9pm na. HAHA!:))
Ako si Nellie, Isang Masscommunication student, 19 years old . Tulad ng karamihan. Isa ako sa mga taong minsang naniwala sa “PAG-IBIG”.
Nagmahal, Minahal at pinangakuan ng pinaka gasgas na pangakong, iilan lang ata ang nakatupad. “ Walang Iwanan” at iniwan din sa hindi malamang dahilan..
Bakasyon noon, May 2008 to be exact. Habang nakatambay sa tindahan nila ka Glo, may isang lalaking dumaan na talagang nakapukaw sa atensyon ko.
Roslyn Sino yun? Sabi ko.
Ah. Si Mark Jason, Bagong member dawn ng Guesscrew.
( Guesscrew yung isang grupo ng mga Dancers, na sumasali sa iba’t ibang contest)
Oh. Ka grupo pala siya ni KuyaAlvin.
(pinsan ko si Kuya Alvin)
Ang cute niya noh. Sabi ko.
Hindi naman sabi ni Roslyn.
Mula nun hindi ko na ulit siya nakita sa tuwing pupunta ko ng Halang, hanggang isang araw nagtext si Kuya Alvin sakin.
Kuya Alvin: Insan?
Ako: Kuya, bakit?
Kuya: Nasan na hinihingi ko?
A: Ah. Yung no. ni gold?
K: Osige. Teka. Pero may tanong ako.
A: Kilala mo ba si Jason?
K: Si Mark Jason? Oo. Bakit?
A: Wala lang. Cute nun noh.
K: Ganun ba. Osige eto no.
(ilang minutes lang sinned niya na.)
*HAHA! Baet ng pinsan ko noh. Hindi pa hinihingi, binibigay na. pero sa totoo lang wala akong balak hingin dahil, di naman ako ganun klaseng babae.:)
Kinabukasan, Hindi ko alam pero parang gustong gusto kong itext yung no. na yun, hanggang sa tinext ko nga & the conversation goes like this:
Ako: Hi.
Mark Jason: Hu u?
Ako: Marinel. Pinsan ni Kuya Alvin, kasi ano eh, binigay niya sakin no. mo..
Jason: Oh? Punta ka ditto sa practican namin.
Ako: Ha? Ayoko, puro Lalaki dyan.
Jason: Nandto naman siAlvineh.
Ako: Kahit na, di ako ganun eh.
Jason: Okay.
*Nadisappoint ako sa sarili ko ng mga 89.6 percent kasi Ako pa nagtext. HAHA! Tapos akala ko talaga, Okay na. na magkatext na kami..
Kinabukasan nag GM ako ng Goodmorning at kasama siya sa mga pinadaanan ko, pero Unfortunately nireplyan nya ko ng “Hu u?”, naisip ko ah okay. Wala to. Mula nun, hindi ko na siya tinext..
Hanggang sa Isang araw, nakita ko nanaman siya, pero may kausap sa Celphone. Hindi ko alam pero Isa sa naging batayan ko sa isang lalaki na may Gf is yung may kausap sa CP or may katext. (Weird diba? Kasi pwede naming Mommy/daddy or friends nya kausap.)
Dahil sa ang tanging alam ko lang naman sa taong yun ay Pangalan at number, hindi naman na siya masyadong naging big deal sakin, hanggang sa isang araw nagkita nanaman ulit kami.
SEPTEMBER 27,2008 yun. Papunta kong sta.maria dahil pupunta ko sa Letran. Nakaangkas siya sa Kuya Alvin ko sa Motor, at ako naman sa tita ko. Tinawag ko si Kuya, at Gulat na gulat ako dahil kasama siya. Hindi ko alam na pupunta pala sila sa amin para magbenta ng ticket sa Battlegrounds. (Dance contest yun battlegrounds na gaganapin sa Crossroads, Buong Pilipinas ata kalaban nila dun at yung mananalo ay lalaban saAustralia.)
Nung nalaman kong pumunta sila sa bahay, nanghinayang ako ng konti, pero pag naalala ko “Hu u” niya, nababago lahat yun.
SEPTEMBER 28, 2008- Walang pasok yun., kaya natulog lang ako hanggang sa nagulat nalang ako, kasi pag tingin ko sa CP ko may nagtext sakin no. lang:
SMART 1:41pm : Hi, Pwede daw po ba pumunta siAlvindyan? Mark Jason po ito.
Sa sobrang gulat ko, agad agad akong naligo sa pag-aakalang dadating sila agad. HAHA! @.@
Nung una, nagulat talaga ko dahil sa totoo lang yung tanong, parangmali. Dahil pwede naman talagang pumunta si Kuya Alvin dahil pinsan ko siya.
Mga 4pm na sila dumating at nagbenta nga ng ticket, Sobrang Mahiyain siya at tahimik. Pag dating palang, pinakilala na agad siya ni Kuya. Sa sobrang Assuming ko. Akala ko yung no. na nakasulat sa papel ay Galing sakaniya na akala ko ay iniwan niya yung no. niya. Yun pala ay sa Lola ko yun. HAHA!:)
Pag alis nila ay, masaya ko pero hindi naman masyadong big deal dahil, sa mahiwagang “Hu u” niya..
Bumaba kami ni Lysa ( Pinaka favourite kong pinsan) sa mga Lolo ko para manghinge ng mga buto ng halaman na gagamitin sa project niya, Surprisingly nagulat ako ng Makita ko nanaman siya/sila nila kuya Alvin sa mga tita ko, may birthday pala at nakikain lang. Dahil sa tinawag nadin kami, kahit nakakahiya ay wala nadin akong nagawa.
Napansin kong nakatingin siya sakin, pero hindi ko nalang masyadong iniintindi dahil naka mind set naman talaga sakin na may Gf siya at sa “Hu u” niya.
After 1 hour ay umuwi nadin kami. Pag uwi ko sa bahay ay, diko maiwasang maisip siya, dahil sa buong buhay ko, Noon lang ako nagka Crush sa isang Lalaki ng ganun.
7pm, may nagtext sakin. Yung SMART na nagtext din bago pa sila dumating ni KuyaAlvin:
SMART: Hi, Mark Jason po to. .
Ako: Hello, Uy. Sensya na ha. Baka di nadin ako makapgreply kasi smart ka eh. Globe ako. Kung magka extra Load man ako, minsan lang.
Siya: Osige. Wait lang po. Mag globe ako.
Yung dating nag Hu u? sakin nag globe pa ngayon para lang magkatext kami.:D
Simula nun, lagi na kaming magkatext. Until One day pumunta siya samin, hindi para magbenta ng ticket, kundi para magpaalam sa Lola ko at Papa ko Kung Pwede niya kong Ligawan.
*Nakakatuwa kasi, Una palang sinabi niya agad sakin na Sa bahay kita Liligawan at hindi sa Kalsada.:)
Kaya Nililigawan niya palang ako ay Kilala na siya sa bahay namin hanggang sa October 9 naging Kami. Nung Una, parang Hindi kami masaya pareho. Hindi ko din alam bakit ganun, Hindi naman sa malungkot, pero sakto lang yung pakiramdam.
Umabot din ng 1 buwan bago kami maging sobrang Open sa isa’t isa. At Maging sobrang Sweet..
Hanggang sa dumating na yung 1st mothsary, Noong Una, hindi ko talaga inasahang tatagal kami kasi puro Away, Simpleng bagay Lumalaki kaya Nakakapagod. Hanggang sa nagulat nalang ako naka Kalahating taon na kami.
Si Jason yung taong, minsan nagpabago sa buhay ko. Nagpasaya sakin. Minsang nagpaiyak at nagturo sakin kung Paano maging Matapang. Siya yung Lalaking sobrang pinagkatiwalaan ko na at the end of the day magkwekwentuhan kami ng mga nangyari samin. He became my boyfriend at the same time bestfriend. A guy who never fail to make me smile, sa pag gising ko sa umaga at bago matulog.
Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa, Sa pag subok na nalagpasan, Sa pinagsamahang walang makakapantay Hindi mo iisiping magkakahiwalay pa kami..
Madami kamingplano, tulad nalang ng pag-aaral sa University of the East. Ako bilang Masscom at siya Computer, all set na. Magbabayad nalang ako Enrolled nako. Kaya lang Hindi pumayag yung Lola ko eh, kasi daw hindi daw maganda na magkasama ng school. Dahil masunurin ako at talagang family oriented ako, Lahat sinusunod ko dahil alam kong Mas alam nila yung tama. Matgal tagal din naming napagtalunan yun, pero Wala naming magagawa eh,
Mula nung nag college kami maraming nagbago, Minsan nading nagging Cold yun Relationship naming. Dahil na din sa Sched na magkasalungat, Papasok palang siya, Pauwi na ko. Madami nading bagong taong Umeksena sa buhay naming, Mga taong pilit Umeeksena, Pero hindi kami napatumba nung mga taong yun.
Nung Una ay ayaw sakin ng Mama niya, Hindi ko Alam kung bakit. Wala naman akong ginagawang masama. Naiintindihan ko naman, dahil hindi niya pako kilala kaya baka na mis interpret, Wala talaga kong Idea or makitang Rason para ayawan ako ng Mama niya dahil Unang una, Matino ako, Hindi Lakwatsera, Hindi sobrang talino pero Marunong naman ako sa School at Kahit kanino itanong ay Maganda naman ang masasabi nila kaya ng kahit papano ay Proud ako sa sarili ko.
Hanggang sa dumating yung point na Halos hindi na kami magkatext o magkita ni Jason sa sobrang pagkahumaling niya sa sayaw. Kaya parang tinabangan ako at naisip ko Kung Kami pa nga ba.
Nagulat nalang ako isang araw nung tinext ako nung Mama niya, Humihingi ng tulong na pag sabihan ko si Jason sa pagsasayaw niya, Sobra na daw kasi. Alam nya dawn a buko d sakanya, Ako lang yung susundin neto.
Nakakagulat dahil alam kong Ayaw niya sakin, pero Masaya dahil naisip kong kahit pano kinakausap niya nako, Hanggang sa nagging Sobrang Close na kami at nagustuhan nako ng Mama niya, Kapatid at buong pamilya..
Mula nun, ay nagging Okay na din ulit kami..
Kung Titingnan, Isa kaming perfect couple na Wala ng problema. Kung magkaron man, napakasimple lang.
Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari, naulit nanaman..
Away ngayon, Away bukas at hanggang sa Mas lumalala pa Away ang mga away na yun. Dahil na nga sa dami naming pangarap, Daming pangako kahit minsan ay hindi ko naisip na Iiwan niya ko. Kahit ganun si Jason, Alam ko kung gaano niya ko Kamahal. Kung hanggang kailan niya ko kayang ipaglaban, Si Jason ang tipo ng Lalaking Hindi nakikipagbreak, basta2 nalang siyang nawawala. Sa lahat ng Girlfriend niya ay ganun ang Ending, pero naniwala at Umasa ako na hinding hindi niya gagawin sakin yun dahil bukod sa Ako ang kauna unahang babaeng nakilala ng pamilya niya, niligawan sa bahay at ginawan ng iba’t ibang bagay na hindi naman normal na ginagawa niya. Alam kong hinding hindi niya yun Gagawin. PeroMaliako.March 18, 2010, Iniwan ako ni Jason sa Hindi maipaliwanag na dahilan.
Ilang Araw din akong text ng text sakaniya, noong Una inisip kong baka may gusto lang siyang gawin at gusto niya muna ng time dahil baka nagsawa na siya na lagi kaming magkasama, Sa loob ata ng dalawang taon ay Isa o dalawang araw lang dun ang araw na hindi kami magkasama, Kaya Hindi naging madali sakin lahat na kalimutan siya. Hanggang sa pangatlong araw na ng hindi siya nagpaparamdam ay tinext ko na Mama niya, nagreply naman Agad, “ Nasa bahay lang daw si Jason at naglalaro ng Computer, Sinabi niya daw na itext Ako dahil nag-aalala ako.” Tumango lang daw ito.
Umasa kong magtetext siya, pero Wala talaga. Masakit para sakin yun, Dahil Akala ko dati Iba ko, Iba ko sa mga nagging girlfriend niya na hinding hindi niya Gagawin sakin yung Ginawa niya sa mga yun pero Tulad nila, Iniwan niya din ako ng Walang dahilan.
Dahil sa Sobrang close kami ng pamilya niya, Kahit Wala na kami Ay Nakakasama ko pa din silang Lumabas, mag Walter, manuod ng Sine at kumain.
“Anak, Wag mo kaming Kakalimutan ha?” Ito ang pinaka madalas sabihin sakin ng Mama niya.
Sa tuwing naririnig ko yun, mas lalo lang akong nasasaktan, pero Wala akong magagawa kundi tanggapin ang Realidad ng buhay na Maaring mahal ka ngayon pero bukas ay hindi na.
Hanggang sa Madami ng nagbago at hindi nadin ako sumamang Lumabas sa pamilya ni Jason, hindi dahil Ayoko kundi dahil sa tuwing sumasama ko kasama ang pamilya niya, Iniisip ni Jason na hinahabol ko lang siya. Dahil sa Awa ko sa sarili ko, mas pinili kong Lumayo sakanila.
Pag tapos niya kong Iwan ng walang pasabi, ay siya pa itong may lakas ng loob na magsalita ng masasakit sakin, dahil sa pananaw kong Ako naman yung mas nakakaintindi, pinili kong manahimik at Ituoy ang buhay.
Isa yun sa dahilan kung bakit hanggang ngayon, masama loob ng pamilya ko kay Jason. Dahil sa pagsasabi niya sakin ng kung ano2 bukod sa pang-iiwan.
Sobrang hirap para sakin nun mag Move on, Strong Ako pero kahit gaano ka pala katapang, babagsak ka din. Walang araw na hindi ako Umiyak, Kakaisip kung bakit niya ko Iniwan, Sa hirap mag adjust. Hanggang sa nagising nalang ako at mas piniling Mag simula ng bagong buhay, maging matapang para sa sarili ko at ginamit ko lahat ng sakit na yun para mas maging better person at maging aral yun para hindi na ulit magkamali.
Mula nun, Nasanay nakong Wala siya, Mas nag focus sa pag-aaral at nun ko simulang marealize na Halos dalawang taon ng buhay ko ay Umikot lang sakaniya. Na hindi ko namamalayang nawala na pala yung dating Ako, sa sobrang pagmamahal ko sakaniya. Na marami nakong napabayaan kaya May mga times din na pinagpapasalamat ko na Iniwan niya Ako.
Akala ko nun, Tapos na. na Tumigil na din siya hanggang sa may nabalitaan nanaman ako na Pinagsasabi niyang Hindi niya ko minahal. Na Hindi niya ko sineryoso. Ilang buwan na din yun nakakalipas nung sinabi niya yun sa mga tao, pero naramdaman kong apektado padin ako.
Sa totoo lang, Kung ang pagsasabihan niya nun ay yung mga taong Naka witness ng relationship naming ay hindi maniniwala, pero yung mga bagong tao sa buhay niya ay mapapaniwala niya At alam ko din na siya sa sarili niya, Alam niya kung Ano ang totoo.
Hanggang sa magsimula ng mapalitan ng Galit lahat ng natitirang pagmamahal ko sakaniya, dahil sa mga ginagawa niya.
Mula nun, Sa tuwing maaalala ko siya, natatawa na lang ako at Nagpapasalamat pa dahil iniwan niya ko, At Naging mas better person ako, nakapag-aral akong mabuti. Madalas kong ipagdasal n asana isang araw magkausap kami at malaman ko ang dahilan niya bat nya ko iniwan, hindi dahil para bumalik siya, kundi para Maging malanaw lahat..
Pero dahil sa sobrang bitter niya, sa hindi ko malamang dahilan. Hindi na Ako Umasang mangyayari yun. Hanggang sa December 2011, nagulat nalang ako na inaccept niya friend request ko sa FB na dati rati ay dinedelete niya lang naman tapos bigla siyang nag chat ng “Merry Christmas.”
Sobrang nakakagulat, pero sobrang Casual lang naman ng Usapan naming. Hanggang sa nagging magkatext din kami at tinanong ko sakaniya, kung bat nya ba talaga ko Iniwan, Sabi niya lang, “Basta.” Tinanong ko If may iba, sabi niya Wala daw. Nakakapagtaka pero sa ngayon kasi hindi nay un masyadong big deal sakin.
Ang mahalaga is Okay kami as Friends at kung ano man yung mga nagawa niya sakin kahit hindi pa siya humihinge ng tawad ay napatawad ko na siya.
Kung meron man akong natutunan ditto ay yung, Nothing lasts Forever at Everything Happens for a reason, at ang reason bt nangyari yun ay para mas Makilala ko pa sarili ko at Malamang marami pakong kayang gawin at hindi ako dapat makuntento lang dun.
Kaya Habang buhay kong Ipinagpapasalamat kay Jason na Iniwan niya ko.:)
I’ve always wanted to shout and tell to the whole world how lucky I am for having the Best Guy friend on the Planet Earth and because of that I could not ask for more . A guy friend who never fail to make me smile.Never get’s tired of listening to my stories and my thoughts. Who always make me believe that Everything happens for a reason.
THANKYOU is not enough to express how Thankful I am for having him and for all the things that He’ve done for me.
One day, If he would be given a chance to see my tumblr account (But, matagal pa yun. Sana pagka graduate na.)I just want him to read this:
Dear You,
I just want so say THANKYOU. THANKYOU for Everything, for making me happy, for the endless stories that We’ve shared to each other and for being a good friend of mine. You always heard this from me ” IM SO PROUD OF YOU” pero this time I will say it again, I’m so proud of you, I’m so proud that inspite of all the Trials that you’ve been through you still made it, Congratulations.You never fail to prove that you are a Strong young man who never gives up easily. I’m always here for you no matter what happen. If someone broke your heart, Mine you could borrow.:))
Answer:
Hello Flokie. Define HAPPINESS! HAHAHAHA!:))
Goodmorning.:*
Answer:
MALL.:)